MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Oktubre 4 na kinansela na nito ang Philippine passport ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa press statement, sinabi ng DFA na ang kanselasyon ng pasaporte ni Guo ay umepekto noong Setyembre 30, 2024 sa bisa ng Section 10 (b) (4) ng Republic Act No. 11983 o New Philippine Passport Law, to wit: Section 10. Ground for Denial of Issuance of Passport; Cancellation of Passport; o Imposition of Restrictions on Passports.
Ang pasaporte ay maaaring ma-deny, makansela o lagyan ng restriksyon kung ito ay nakuha sa illegal na paraan, tampered o inisyu nang hindi naaayon sa tamang paraan.
Agad na inaksyunan ng DFA ang isyu matapos na matanggap ang sertipikasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasabing ang biometrics ni Guo sa pasaporte ay tumugma sa biometrics ni Guo Hua Ping sa files ng NBI. RNT/JGC