Pinaghahanda ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang Pilipinas sa anumang pagbabago ng patakaran sa pag-upo ni US President-elect Donald Trump sa Enero mahigpit na nitong ipatutupad.
Sa pahayag, sinabi ni Escudero na higit sa pagpapadala ng “conglatulatory words, dapat kumilos agad ang pamahalaan sa paglikha ng senaryo sa Trump era at maghanda sa pagtugon dito.
“Donald Trump is a major macroeconomic assumption,” ayon kay Escudero na tumutukoy sa paggamit ng gobyerno sa inaasahang pagkilos ng ekonomiya sa isang fiscal year.
“From trade to security to immigration, what he said he plans to do, some on day one of his administration, would certainly impact us,” ayon kay Escudero.
Sakaling ituloy ni Trump ang pahayag na kanyang ipatutupad ang pinakamalaking maramihang deportasyon sa kasaysayan ng US, ilan sa mahigit 300,000 Filipino ang apektdo sa unang sigwa ng pagpapatalsik,? tanong ni Escudero.
Upang maisalarawan ang kanyang punto, sinabi ni Escudero na kung isang porsiyento lamang ng 300,000 katapos ang mapapatalsik sa lupain ng Amerika, kailangan nang sampung dambuhalang eroplano upang iuwi sila.
“How will his plan to erect high tariff walls affect our economy given the fact that almost $1 in every $7 of our export earnings come from our trade with the United States?” giit ni Escudero.
“Kung dahil sa kanya lalakas ang dolyar, ano ang epekto nito sa atin kung ang dulot nito ay ang paghina ng piso? Siguradong lolobo ang halaga ng ating foreign debt,” paliwanag pa ng Senate chief.
Idinagdag pa niya na kahit nagpanukala si Trump na mababawassan ang pandaigdigang tensiyon at tapusin ang giyera, magkakaroon ng epekto ang panalong ito sa posisyong pananalapi ng bansa.
“The inconvenient truth is cheaper oil will reduce tax collections on oil upon which government spending on social programs is pegged, ayon kay Escudero.
Kailangan din bisitahin ang gobyerno ang alyansang militar ng Pilipinas na pinatingkada ng Biden administration na isang pangunahing aspeto ng US-PH relation.
“On the security front, will a second Trump administration be hawkish or dovish against China? Dapat handa tayo kung sakaling may bagong posisyon ang Washington,” ayon sa senador.
Matagal nang ibinandila ni Trump sa buong mundo na gagawin niya ito sakaling ibalik siya muli ng American voter sa White House. . “Hindi naman sikreto ang mga ito kasi pinangalandakan niya sa kampaya at ang mga ito pa nga ang nagpapanalo sa kanya.”
Aniya, “So having known these in advance, there is no reason for the Philippine government to be caught flatfooted and stand helpless as the ground beneath it caves in,” ani Escudero. Ernie Reyes