Home NATIONWIDE PH robotics team humakot ng parangal sa World Robot Olympiad

PH robotics team humakot ng parangal sa World Robot Olympiad

ODENSE – Ilang medalya ang nasungkit ng Philippine Robotics National Team sa prestihiyosong World Robot Olympiad Friendship Invitational 2023 sa Odense, Denmark nitong September 21 hanggang 24.

Nakamit ng Philippine Robotics National Team Sa Elementary level for Future Innovators, ang Bronze medal, na napalunan ni Sabina Lim at Gevenyl Canlas mula sa Special Education for the Gifted (SpEd-G) ng Department of Education sa Olongapo City.

Sa High School level naman, nasungkit nina Aaron James Amar, Andrea Luz Guevarra at Daniella Angela De Guzman mula sa Dr. Yanga Colleges, Inc. (Bulacan) ang ikatlong pwesto at bronze medal.

Nasa 1,200 ang lumahok mula 39 bansa paligsahan sa robotics. Ipinaabot naman ni Philippine Ambassador to Denmark Leo Herrera-Lim ang pagbati sa Philippine Robotics National Team.

“The victory of the robotics team at the World Robot Olympiad is a proud moment for the Philippines. We are delighted that these Filipino students have proven that we have what it takes to be a frontrunner in the field of robotics,” ani Herrera-Lim. RNT/SA