MANILA, Philippines – KAILANGAN na magsanib-puwersa ang Pilipinas at South Korea sa pagpo-promote ng rules-based international order na pangangasiwaan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award.
Sa isinagawang bilateral meeting ng Pangulo kay South Korean President Yoon Suk Yeol, sinabi ng una na panahon na para sa dalawang bansa na itaas ang kanilang relasyon sa isang “strategic relationship.”
”This idea must be as concrete as the foundations from which our bilateral relationships stand. As the geopolitical environment is only becoming more complex, we must work together to achieve prosperity for our peoples and to promote a rules-based order governed by international law, including the 1982 UNCLOS and the binding 2016 Arbitral Award,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Sinabi pa niya na ang Pilipinas at South Korea ay mayroong matatag na partnership sa iba’t ibang larangan ng kooperasyon kabilang na ang ‘tanggulan at seguridad, maritime cooperation, kalakalan, development, at people-to-people exchanges.’
”From here, there is nowhere else to go but up,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Matatandaang nagpahayag ng pangamba ang South Korea ukol sa mapanganib na aksyon ng puwersa ng mga tsino sa South China Sea.
Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Yoon para sa pagpapaunlak sa kanyang imbitasyon sa Pilipinas, na nasabay naman sa ika-75 taong anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
”So, I look forward that your visit will bring a very meaningful meeting between our two countries, not only on the political level but on the levels of the other sectors such as trade, defense and security, and whatever else you and I will be able to identify as areas we should explore,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo. Kris Jose