MANILA, Philippines – Handa na ang Philippine Squash Academy para sa hosting ng dalawang international event.
Ayon kay squash chief Robert Bachmann, unang sisipa ang Philippine Satellite na gaganapin mula Oktubre 22 hanggang 25.
Agad itong susundan ng Philippine Challenger Classic na magsisimula sa Oktubre 27 hanggang 31 na gagawin sa PSA Academy sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.
Ayon sa ulat, malaki ang maitutulong ng mga nasabing torneo para umangat ang mga rankings ng kanilang mga atleta.
Isa rin itong preparasyon ng koponan para sa 2025 SEA Games sa Bangkok at 2026 Asian Games sa Nagoya ganun din ang qualifiers sa 2028 Los Angeles Olympics.