Home NATIONWIDE PH stock market trading naantala

PH stock market trading naantala

MANILA, Philippines – Inihinto ang palitan sa Philippine Stock Exchange (PSE) nitong Miyerkules, Enero 3.

Wala namang ibinigay na rason ang PSE kung bakit kailangang ihinto ang trading.

“Please be advised that trading in the market is currently halted. Kindly stand by for further announcements,” sinabi ng PSE sa kanilang abiso sa social media at website.

Inanunsyo ang pagpapatigil sa palitan bandang alas-10 ng umaga at naibalik din naman makalipas ang dalawang oras, o 11:56 ng umaga.

Nagbukas ang benchmark PSE index (PSEi) sa 6,539.81, bumaba ng 14.23 points o 0.22%. RNT/JGC

Previous articleMassimo, pagsasabayin ang showbiz at sabong!
Next articleM-5.3 na lindol yumanig sa Surigao del Sur