Home NATIONWIDE PH, UK lumagda sa P419.9-B financing framework para sa priority projects

PH, UK lumagda sa P419.9-B financing framework para sa priority projects

1
0

MANILA, Philippines — Lumagda ang Pilipinas at United Kingdom sa bagong government-to-government financing framework na magbibigay-daan sa pag-access ng bansa sa hanggang £5 bilyon o tinatayang P419.9 bilyon na suporta mula sa UK Export Finance (UKEF) para sa mga kwalipikadong proyekto.

Kinumpirma ng UK government na may hanggang £5 bilyong financing capacity ang UKEF para sa eligible projects sa Pilipinas, kasunod ng pagbuo ng framework sa ilalim ng Philippines-UK Joint Economic and Trade Committee.

Kabilang sa mga maaaring saklawin ang energy transition, sustainable transport, water and sanitation, aviation at social infrastructure, ayon sa Department of Finance.

Nilagdaan ang kasunduan nina Finance Secretary Frederick Go, UK Trade Minister Lord Anas Sarwar at UK Ambassador Sarah Hulton.

“We are opening new opportunities to bring financing, expertise, and partnership to projects that matter to the Filipino people,” ani Go.

Sa ilalim ng kasunduan, tutukuyin pa ng dalawang pamahalaan ang mga strategic at viable projects na maaaring suportahan. Ibig sabihin, ang P419.9 bilyon ay financing capacity na maaaring ma-access para sa mga kwalipikadong proyekto at hindi isang direktang lump-sum na pondong awtomatikong ibibigay sa Pilipinas.

Sinimulan na rin ng Pilipinas at UK ang pagtalakay sa mga posibleng proyekto sa pamamagitan ng Infrastructure Sectoral Working Group ng Joint Economic and Trade Committee, na nagpulong noong Setyembre 22. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here