Home NATIONWIDE PH, US nababahala sa pagdakip sa SCS ‘trespassers’ – AFP chief

PH, US nababahala sa pagdakip sa SCS ‘trespassers’ – AFP chief

SINGAPORE- Kapwa naghayag ang Pilipinas at ng Estados Unidos ng pagkabahala sa plano ng China na arestuhin ang mga dayuhang “manghihimasok” sa South China Sea, base kay Armed Forces chief Romeo Brawner Jr. niton Biyernes.

Sa sidelines ng 2024 IISS Shangri-La Dialogue, inihayag ni Brawner na hindi niya maaaring ilahad ang buong detalye ng kanyang diskusyon kasama ang US official.

”Both our countries are concerned about it,” wika ni Brawner na tinutukoy ang bagong kautusan ng China na arestuhin ang ”trespassers.” 

Idinagdag niya na ”both our countries expressed our commitment to the alliance and we believe that the alliance, the partnership is becoming even stronger.” 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na ang plano ng China na iditene ang mga dayuhang nanghihimasok sa South China Sea ay pag-igting ng tensyon sa rehiyon.RNT/SA