Home NATIONWIDE Phil. Academy of Sakya, idineklarang kampeon sa Academic Olympiad-Comm Arts 2026 Pagbabalita...

Phil. Academy of Sakya, idineklarang kampeon sa Academic Olympiad-Comm Arts 2026 Pagbabalita Contest

514
0

MANILA, Philippines – Ginawaran ng gintong medalya ng Federation of APSSAM – MAPESA MAPPRESA Private Schools Association Inc. ang idineklara kampeon sa FAMMPSA Academic Olympiad-Communication Arts 2026 Pagbabalita Contest for JHS ang Philippine Academy of Sakya nitong Martes, Pebrero 10, 2026.

Nagsilbing kinatawan ng Sakya ang mga estudyanteng sina Celestine Edana Reyes, Vicente Zhaijan Jones Vergara, Mallari Franz Kendrix, Roldan Audrey, Sombilon Rian Myles. Nagsilbi namang Gurong Tagapagsanay sina Bb. Ayen Nicole Insela, G. Edrele Manayan, at Bb. Sheilo Manuel.

Naiuwi naman ng Philippine Christian University ang tropeo ng pagiging 1st Runner-up, habang ang Maranata Christian Academy naman ay idineklarang 2nd Runner-up at nasa ikatlong pwesto naman ang Paco Catholic School.

Nagpahayag naman ng pagbati ang pamunuan ng National Press Club of the Philippines (NPC) sa pamumuno ni Pres. Leonel “Boying” Abasola sa mga nagwagi sa nabanggit na kompetisyon.

“Binabati kita Celestine, bilang ikatlong henerasyon ng mga mamamahayag mula sa pamilyang Reyes. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong tagumpay sa iba pang kabataang manunulat na patuloy na hinahasa ang kanilang talento at kakayahan sa larangan ng pagpapahayag. Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa panunulat ay patunay na may mahalagang papel ang kabataan sa pagpapalaganap ng katotohanan at malikhaing pagpapahayag”, pahayag na pagbati ni Pres. Abasola.

“Umaasa ako na sa hinaharap ay mas marami pa kayong makakamit na tagumpay at makasama ninyo ako balang araw sa hanay ng mga propesyonal na mamamahayag. Ipagpatuloy ninyo ang paggamit ng inyong talento upang magbigay inspirasyon at magmulat sa sambayanan. Muli, taos-pusong pagbati sa inyong lahat!” pagtatapos ng Pangulo ng NPC.

Ang naturang kompetisyon ng pagbabalita ay ginanap sa Philippine Cultural College Manila na matatagpuan sa Jose Abad Santos sa lungsod ng Maynila. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here