Home NATIONWIDE PhilSA: Debris ng Chinese Rocket posibleng bumagsak malapit sa Cagayan, Ilocos Norte

PhilSA: Debris ng Chinese Rocket posibleng bumagsak malapit sa Cagayan, Ilocos Norte

251
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Martes, Setyembre 9, na posibleng bumagsak sa dagat malapit sa Dalupiri Island at Santa Ana sa Cagayan, at Burgos sa Ilocos Norte ang mga debris mula sa paglunsad ng Long March 7A rocket ng China.

Ayon sa PhilSA, inilunsad ang rocket mula sa Wenchang, Hainan bandang alas-10 ng umaga (oras sa Maynila), at tinukoy ang drop zones na 58 nautical miles mula Dalupiri, 37 NM mula Burgos, 92 NM mula Camiguin Norte, at 79 NM mula Santa Ana.

Nilinaw ng ahensya na hindi inaasahang babagsak ang debris sa mga tirahan ngunit maaari itong magdulot ng panganib sa mga barko, eroplano, at mangingisdang dadaan sa lugar. May posibilidad ding tangayin ang mga piraso ng debris papunta sa mga baybayin.

Pinayuhan ng PhilSA ang publiko na agad ipaalam sa mga lokal na awtoridad kung makakakita ng hinihinalang debris, at huwag itong lapitan dahil maaaring naglalaman ito ng nakalalasong rocket fuel. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here