MANILA, Philippines – Umakyat na sa 6,311 ang bilang ng mga aftershock na naitala kasunod ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu noong nakaraang linggo.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang mga aftershock ay mula magnitude 1.0 hanggang magnitude 5.1.
Sa 6,311 aftershocks, 28 ang naramdaman at ang iba ay na-detect lamang ng seismic instruments ng ahensya.
Inabisuhan ng PHIVOLCS ang mga residente ng Cebu na patuloy na maghanda sa mas marami pang aftershock sa mga susunod na araw.
“Yung magnitude ay would range from magnitude 1.0 to magnitude 5.0, and so we would expect aftershocks in the next few days or even few weeks. Yung number na ito most likely tataas ito.” RNT/JGC