Home METRO Phivolcs nagbabala sa pagtaas ng aktibidad ng Taal Volcano

Phivolcs nagbabala sa pagtaas ng aktibidad ng Taal Volcano

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo sa pagtaas ng aktibidad ng seismic na maaaring magdulot ng phreatic o minor phreatomagmatic eruption.

Sa advisory nito, sinabi ng Phivolcs na ang mga istasyon ng Taal Volcano Network (TVN) sa Taal Volcano Island (TVI) ay nakapagtala ng pagtaas ng real-time seismic energy measurement (RSAM) kasabay ng patuloy na pagyanig ng bulkan.

Sinabi rin ng Phivolcs na may kabuuang dalawang low frequency volcanic earthquakes ang naitala ng TVN mula noong Hulyo 1, 2025. Idinagdag nito na walang degassing plume mula sa Taal Main Crater mula nang magsimula ang pagtaas ng RSAM.

Napansin din ng ahensya ang pag-buga ng bulkan ng low levels ng sulfur dioxide mula noong Hunyo 2025 kung saan ang pinakahuling emisyon na sinukat noong Hulyo 4 ay umabot sa average na 415 tonelada bawat araw.

“The sharp increase in RSAM and the lack of observable degassing from the Main Crater may indicate blockage or plugging of volcanic gas pathways within the volcano, which may lead to short-term pressurization and trigger a phreatic or even a minor phreatomagmatic eruption,” ayon sa Phivolcs.

Pagkatapos ay pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan, na binibigyang-diin na “it is still in abnormal condition and should not be interpreted to have ceased unrest or ceased the threat of eruptive activity.”

“At Alert Level 1, sudden steam-driven or phreatic or minor phreatomagmatic eruptions, minor ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within TVI,” dagdag ng ahensya.
Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang pagpasok sa TVI, lalo na malapit sa main crater o Daang Kastila Fissures at paglipad ng aircraft malapit sa crater.

Samantala, pinayuhan nito ang mga kalapit na residente na isara ang mga pinto at bintana para hindi makapasok ang volcanic smog o vog at protektahan ang kanilang sarili gamit ang mga face mask at goggles. RNT/MND