MANILA, Philippines- Nag-isyu ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules ng lahar warning para sa mga lugar sa paligid ng Kanlaon at Mayon volcanoes sa malakas na pag-ulang dulot ni Tropical Depression Querubin at ng shear line na nakaaapekto sa Bicol Region at Negros Island.
Batay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Tropical Cyclone Bulletin No. 3, ipinalabas ng alas-5 ng madaling araw, makaaapekto ang “heavy to intense” rainfall sa ilang lugar sa southeastern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Hinimok ng ahensya ang publiko na maging alerto at handa sa mga komunidad malapit sa lahar-prone zones.
Anito, maaaring magdulot ang matagal at malakas na pag-ulan sa pagdaloy ng post-eruption lahars sa major channels sa bulkang Kanlaon, na maaaring may kasamang loose materials mula sa pyroclastic density current (PDC) deposits ng Dec. 9 explosive eruption.
Maaaring makaapekto ang lahars at sediment-laden streamflows sa Tamburong Creek in Biak-na-Bato, Baji-Baji Falls, at Talaptapan Creek sa Cabacungan, La Castellana.
Gayundin, nakaambang magresulta ang malakas na pag-ulan sa post-eruption lahars sa major channels ng Mayon Volcano, kasama ang loose materials mula sa PDC deposits ng January-March 2018 eruption.
Anang Phivolcs, natuklasan ang bulto ng erodible PDC deposits sa watershed areas ng Miisi, Mabinit, Buyuan, aat nd Basud Channels.
Posibleng maapektuhan ng potensyal na lahat at sediment-laden streamflows ang Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, Basud, at Bulawan channels sa Albay. RNT/SA