MANILA, Philippines — Tatlong minor earthquakes ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lalawigan ng Batangas nitong Sabado, Nobyembre 1.
Sa ulat ng PHIVOLCS, unang tumama ang lindol na may magnitude 2.2 sa Nasugbu bandang 6:46 a.m. Ang epicenter nito ay tinukoy sa 23 kilometro hilagang-kanluran ng bayan, sa lalim na 110 kilometro.
Dakong 2:57 p.m., niyanig naman ng magnitude 2.0 na lindol ang Calatagan, na may epicenter 15 kilometro timog-silangan ng naturang sa lalim na 117 kilometro.
Sumunod pa ang isa pang magnitude 2.1 na pagyanig sa parehong bayan 4:23 p.m., na naitala 10 kilometro timog-kanluran ng Calatagan sa lalim na 89 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, lahat ng lindol ay tectonic ang pinagmulan, dulot ng paggalaw ng mga fault at tectonic plate sa ilalim ng lupa.
Walang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks matapos ang mga pagyanig. RNT/JGC