Home NATIONWIDE Phivolcs: Tsunami warning sa Mindanao, binawi na

Phivolcs: Tsunami warning sa Mindanao, binawi na

1
0

MANILA, Philippines – Binawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang tsunami warning na inilabas matapos ang magnitude 7.8 offshore Sarangani earthquake noong Lunes, June 8.

Inanunsyo ang kanselasyon bandang 3:19 p.m., matapos maobserbahan na maliit lamang na pagbabago sa sea level kasunod ng pagdating ng unang alon.

Nauna rito, naglabas ng tsunami warning para sa mga baybaying lugar sa Sarangani, Basilan, Davao Occidental, South Cotabato, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay, na nagdulot ng agarang evacuation sa mga apektadong komunidad.

Ayon sa Phivolcs, ang mga tsunami waves ay naitala mula 7:42 a.m. hanggang 8:45 a.m. sa iba’t ibang monitoring stations, kabilang ang Maasim at Kiamba sa Sarangani, Kalamansig sa Sultan Kudarat, Mati City, Zamboanga City, at Tandag City.

Ang pinakamataas na wave height ay naitala sa Kiamba na 1.48 meters, habang ang iba ay nasa pagitan ng 0.09 hanggang 0.84 meters.

Pagkatapos ng halos dalawang oras na monitoring, sinabi ng ahensya na nanatiling maliit ang sea level disturbances kaya’t ligtas nang bawiin ang warning.

Gayunman, nagpaalala ang Phivolcs sa publiko na manatiling alerto sa mga aftershocks at sa mga natural na babala ng tsunami tulad ng malakas na lindol, biglaang pagtaas o pagbaba ng dagat, at kakaibang malalakas na tunog mula sa dagat. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here