Home NATIONWIDE PHLPost, sinuspinde pagtanggap ng mail at parcels patungong USA

PHLPost, sinuspinde pagtanggap ng mail at parcels patungong USA

262
0

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ng suspensyon ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa pagtanggap ng lahat ng mail at parcels patungong United States of America (USA) simula Agosto 28, 2025 hanggang sa may susunod na abiso.

Kasunod ito ng pagsuspinde ng US sa duty-free de minimis exemption at pagpapatupad ng mga bagong kinakailangan sa customs, na nag-udyok sa PHLPost na pansamantalang ihinto ang mga serbisyo upang maiwasan ang abala sa mga customer.

Sa public advisory noong Setyembre 2, nilinaw ng PHLPost na ang mga customer na may mga item na na-i-lodge na para sa kargamento sa USA ay maaaring humiling ng retrieval at refund alinsunod sa umiiral na alituntunin, kung maisusumite ang mga kinakailangang dokumento.

Saklaw ng suspensyon ang lahat ng postal item na patungong USA na tinanggap mula Agosto 22, 2025.

Tiniyak ng postal agency sa publiko na magbibigay ito ng update sa sandaling maipagpatuloy ang serbisyo, at umapela ng pag-unawa at pakikipagtulungan sa gitna ng mga pagbabagong dulot ng bagong patakaran.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here