Home ENTERTAINMENT Pic na ipinost ni Kris, kakaiba!

Pic na ipinost ni Kris, kakaiba!

318
0

Manila, Philippines – Very unusual kung ikukumpara sa mga nakasanayan na ng mga netizens ang nag-iisang litrato na ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram.

Nag-iisa lang kasi ito, wala pang caption.

Nasanay na kasi ang mga netizens at fans din ni Kris na mahaba, as in kilometric, ang mga posts niya, that often come with more than one photo.

Pero kakaiba nga ang latest post niya, kung saan makikitang nakahiga siya sa kama at may hawak na tablet.

Kris was shown looking intently at the gadget na parang may pinanonood.

Masisilayan ang bahagya niyang ngiti.

Pero sa kabuuan, ang mas napansin ng mga netizens ay ang pisikal na pagbabago ng TV host—gumanda raw kasi ito at mukhang healthier.

Dahil dito’y dinagsa ng mga nag-uumapaw na likes and comments ang IG photo na ‘yon, admiring Kris’ improvement.

Umaasa ang mga ito na tuluy-tuloy na raw sana ang papagandang kundisyon ni Kris, na kamakailan lang ay pumalag sa ‘di na mabilang na beses na siya’y namaalam na.

Stay looking good, if not far better, Kris!

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here