Manila, Philippines- After nang apat na buwan matapos mag-enroll sa isang aviation school noong Setyembre 2024 para matupad ang pangarap na makapagpalipad ng eroplano, ganap na ang pagiging private pilot ni Xian Lim.
Bilang private pilot, tatlong beses sa isang araw ang biyahe ni Xian sa iba’t ibang mga lugar.
Ito ang bago pagkakaabalahan ng aktor bukod sa pag-arte, pagsusulat ng mga kuwento para sa mga pelikula, at pagiging direktor.
“It’s official! PRIVATE PILOT! Still in the clouds from everything that happened,” masayang pahayag ni Xian sa kanyang social media post.
Lubos ang pasasalamat ni Xian sa lahat ng mga taong naging instrumento para magkaroon ng katuparan ang pangarap niyang maging lisensyadong piloto.
“More flights, more aerodromes, and more and more cross country flights to come!
“As always, maraming salamat Capt. @sahl.onglatco for the trust and for always providing your students with inspiration.
Still on Xian, naloka ang mga Pinoy netizen sa paggamit ng lumang larawan ng ex-couple na sina Xian at Kim Chiu sa pagbati ng American celebrity news website na “TMZ”.
Makikita sa Instagram post ng TMZ ang paggit nila ng larawan.
Isa pa sa mga larawang kalakip ng post ang throwback photo ng KimXi na nakasuot pa ng Chinese outfit.
Sa larawan ay makikitang nakayakap si Xian kay Kim at sa harapan nila ay makikita ang iba’t ibang klase ng mga Chinese food.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento ito mula sa netizens.
“Is that Kim Chiu? LMFAO.”
“To my fellow PILIPINOS—dont engage—they know you will correct them… “
“What the hell? Kim Chiu and Xian Gaza’s [Lim] not together for a year already “
“4th slide they broke up 2 years ago @tmz_tv.”
“Nagkabalikan na ba sila?”
Sunod sunod na tanong at reaksiyon ng mga netizens.
Last Disyembre 2023 ay opisyal nang inanunsyo ng dalawa ang kanilang hiwalayan matapos ang 12 taon.
Si Kim ay nili-link ngayon sa kanyang reel partner na si Paulo Avelino habang si Xian naman ay may Iris Lee na.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, at pahayag sina Kim at Xian tungkol sa isyu. Jimi Escala