Home HOME BANNER STORY ‘Pig holiday’ umarangkada na

‘Pig holiday’ umarangkada na

1
0

MANILA, Philippines – Sinimulan ng ilang hog raisers at traders nitong Huwebes ang tatlong araw na “pig holiday” bilang protesta sa umano’y epekto ng patuloy na pagpasok ng imported pork sa lokal na industriya.

Gayunman, nanatiling normal ang bentahan ng karne ng baboy sa ilang palengke, kabilang ang Balintawak Market, Marikina Public Market at isang wet market sa Mangaldan, Pangasinan.

Ayon kay AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, chairman ng Pork Producers Federation of the Philippines, layunin ng pagkilos na ipakita ang maaaring mangyari kapag tuluyang nawalan ng lokal na nag-aalaga ng baboy.

Sinabi ng grupo na nalulugi umano ang industriya ng tinatayang P350 milyon kada araw o nasa P7,000 bawat baboy dahil sa kompetisyon mula sa imported frozen pork.

Boluntaryo ang pagsali sa tatlong araw na pig holiday na tatagal hanggang Sabado, Oktubre 24.

Nakatakda namang magsagawa ng protesta ang mga hog raiser sa harap ng Department of Agriculture (DA) ngayong Biyernes upang igiit ang kanilang mga panawagan kaugnay ng pork importation.

Hindi naman sasali sa naturang protesta ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), na sa halip ay direktang aapela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kanyang economic managers.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nauunawaan ng DA ang hinaing ng mga lokal na hog raiser ngunit may mga umiiral na obligasyon ang bansa sa ilalim ng World Trade Organization at bilateral agreements.

Pinag-aaralan ng DA ang pansamantalang pagtigil sa pag-isyu ng sanitary and phytosanitary import clearances para sa ilang pork cuts sa loob ng 60 araw, na posibleng maipatupad sa kalagitnaan ng Nobyembre.

Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa Tariff Commission kaugnay ng taripa sa imported pork habang patuloy nitong sinusuri ang epekto ng pagtaas ng importasyon sa lokal na industriya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here