Home OPINION PILINAS KULELAT SA ARMAS PANDIGMA

PILINAS KULELAT SA ARMAS PANDIGMA

193
0

KATATAPOS lang na pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Republic Act (RA) No. 12024 o Self-Reliant Defense Posture Revitalization Law.

Nais ng pamahalaan na makagawa ang Pilipinas ng mga sariling armas na pandepensa sa sarili mula sa anomang dayuhan at lokal na kaaway ng bansa.

Pagsasama-samahin ang lahat ng industriya sa Pinas para magtulong-tulong sa paggawa ng mga armas na ito na mula sa baril, bala, kanyon at iba pa hanggang sa larangang teknolohikal, kasama ang para sa “cyber security breaches, chemical attacks, radiological threats.”

Kung iisipin naman kasi, napag-iiwanan na ang Pinas kumpara sa mga kalapit nating bansa.

MGA KAPITBANSA

Ang north Korea, may nuclear bomb na at gumagawa na ng sarili nilang mga barko at submarino.

Ang South Korea, may sariling gawa na ring mga barko at eroplanong pandigma at gamit dito ang pinakaabanteng teknolohiyang cyber.

Ang China, isang bansang nukleyar at umaabot na sa mga kalangitan at kalaliman ng karagatan ang mga armas nito na katumbas ng mga armas ng mga Kano, Ruso at iba pa?

Ang Indonesia, gumagawa na ng mga submarine at corvette at frigate na maliliit na barkong pandigma.

Gayundin na gumagawa na ito ng mga eroplano, helikopter at tangke bagama’t maraming piyesa pa rin ang imported para mabuo nang husto ang mga ito.

Ang kanilang palm oil, ginagawa na nilang diesel, gasoline at gaas para magamit ng kanilang mga makinaryang pandigma.

Ang Singapore na mas maliit pa sa Hong Kong, pinakahaytek sa lahat ng pwersa militar sa South East Asia.

Gumagawa na ito ng mga infantry fighting vehicle gaya ng Bronco All Terrain Tracked Carrier, sariling baril, bala, anti-aircraft missile, Mobile Adjustable Ramp System na kauri ng Patriot 3.

Gumagawa naman ang Vietnam ng anti-tank rocket, grenade launcher, machine gun, drone, radar at anti-ship missile.

Ang Malaysia, gumagawa naman ng Sharpshooter 25 mm cannon, M2 Browning 12.7 mm heavy machine gun, 81 mm mortar, 2R2M 120 mm mortar, Mk19 grenade launcher, Baktar Shikan ATGM o tangke at support vehicle.

Ang Thailand, gumagawa na rin ng mga sariling armoured car, mortar, multiple rocket launcher 155 mm self-propelled howitzer, drone at iba pa.

ANG PILIPINAS?

Silang mga nasa militar natin ang makapagsasabi ng kung anong imbensyong militar meron na tayo.

Sa mga pulis kasi na kakambal ng mga sundalo sa laban, tila wala pa itong imbensyon.

Pagdating sa fuel na nagpapatakbo sa mga helikopter, eroplano at sasakyang militar, puro imported at walang nakaaalam kung pupwedeng i-convert ang langis ng niyog gaya ng ginagawa ng Indonesia sa palm oil nito.

Ang klaro rin, nakararami ang mga flying coffin o lumilipad na kabaong na eroplano na ikinamatay na ng maraming heneral na sundalo.

Bakit nga kaya napakakulelat ang Pinas sa mga ganitong usapin?

Number 1 naman sa imbensyon ng mga pekeng ebidensya, testigo at argumento ang mga lider ng bansa sa giyerang pampulitika.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here