Home NATIONWIDE Pilipinas ‘di papayag na may maarestong Pinoy sa WPS – official

Pilipinas ‘di papayag na may maarestong Pinoy sa WPS – official

MANILA, Philippines – Hindi papayagan ng pamahalaan ng Pilipinas na may arestuhing Pinoy ang China sa West Philippine Sea.

“Not only the Philippine Navy but the entire government and nation will not allow this (arrest), based on the pronouncement of our commander-in-chief that this is totally unacceptable,” pahayag ni Philippine Navy spokesperson Commodore Roy Trinidad nitong Miyerkules, Mayo 22.

Muling iginiit ni Trinidad ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang direktiba ng China ay hindi naaayon sa international law.

Iniulat na naglabas ang China ng regulasyon na nagbibigay-mandato sa coast guard nito na hulihin ang sinumang dayuhan na papasok sa South China Sea.

Ang direktibang ito ay inilabas kasunod ng Philippine civilian mission sa WPS.

Ayon sa ulat, ang regulatory document ng Beijing ay nakatakdang umepekto sa Hunyo, kung saan ide-detain ng
China Coast Guard (CCG) ang trespassers nang walang trial.

“Foreigners suspected of illegally passing China’s borders can be held for up to 60 days,” ayon sa report. RNT/JGC