Home NATIONWIDE Pinalutang ni VP Sara na plano ni PBBM na manatili sa puwesto,...

Pinalutang ni VP Sara na plano ni PBBM na manatili sa puwesto, haka-haka lang – Malakanyang

214
0

MANILA, Philippines – Itinuturing ng Malakanyang na haka-haka lamang ang mga ipinahayag ni VIce-President Sara Duterte na plano talaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na manatili sa kapangyarihan.

“Kung puro haka-haka lang, wala talaga tayong makukuhang matinong sagot sa issue. Maraming malolokong mga kababayan natin sa maling kwento niya,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Sinabi kasi ni VP Sara na hindi ito isang uri ng pagbibintang dahil may ebidensiya na nais talaga ni Pangulong Marcos na manatili sa kapangyarihan.

“Hindi pagbibintang ‘yan. May ebidensya yan. Unang-una, yung kanilang failed na ano yung papapirman nila? Yung failed na people’s initiative nila sa pagpapa amenda ng saligang batas. Pangalawa, itong Congress na ito, pagupo nila, ay sinabi kaagad na priority nila ang charter change. At, doon sa pag-uusap namin ni dating Pangulo, sorry, dating Pangulo na siya, ni BBM. Doon sa pag-uusap namin ni BBM at ni Sen. Imee Marcos, noong October, na bago siya umalis, noong October last year po, hindi. Bago siya umalis papuntang Amerika, nag-usap kaming tatlo. Doon sinabi ni BBM na alam niya ang galawan ng Charter Change,” ang naunang sinabi ni VP Sara.

“So, hindi yan walang ebidensya. Nasa papel yan. Yung PI na ang laki ng gastos ng gobyerno, charter change yun. Yung statements ng House of Representatives, pagupo nitong 20th at Congress, na charter change ang prioridad, nasa papel yun. Yes, 2023 siya umalis papuntang US na nasa Department of Education. Noong unang lumabas yung impeachment, October 2023, unang nagsalita ang mga makabayan sa impeachment ko. Kinumpronta ko siya at yung discussion na yun umabot sa charter change. Hindi ko alam kung bakit umabot doon, hindi ko na maalala pero nandun si Sen. imee Marcos. Tatlo kami nag-usap at nagsagutan na sila sa charter change,” ang paglalahad pa ni VP Sara.

Ang buwelta naman ni Castro, hindi makakayang i-connect ni VP Sara ang plano noon na people’s initiative dahil si Pangulong Marcos, Jr., aniya mismo ang nagsabi noong February, 2023 na ang Charter Change ay hindi priority ng administrasyon.

Sa katunayan aniya ay sinabi pa nito na, “there are so many other things that we need to do first that we can achieve kung makukuha naman natin yung gusto but within the way the constitution is written….But for me, lahat itong pinag-uusapan kaya nating gawin na hindi palitan ang Saligang Batas”.

Tila pinaalala naman ni Castro na mismong ang mga kaalyado ni VP Sara na sina Sen. Robin Padilla at Leyte’s 4th district Rep. Richard Gomez ang nagsusulong ng Charter Change noon.

“Matuto po kasi siyang magbasa basa ng tunay na balita para hindi palaging nagiging source ng fake news maliban lang kung sinasadya niya ito para baguhin ang tunay na nangyari para sa kanyang sariling kapakanan,” ang sinabi ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here