MANILA, Philippines – Inalis na sa listahan ng European Union ang Pilipinas bilang high risk third countries noong Hunyo 10, 2025.
Dahil dito, lalo pang paiigtingin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang paglaban sa mga financial crime at tiniyak na ipagpapatuloy nito ang mga reporma.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona, patuloy ang pagpapatibay ng bansa laban sa money laundering at terorismo upang mapanatili ang tiwala ng pandaigdigang merkado.
Una na rin tinanggal ang Pilipinas sa listahan ng United Kingdom noong Marso.
Inaasahan naman ng BSP na magdudulot ng mas mababang bayarin sa remittance ang sunud-sunod na pag-alis ng bansa sa watchlist ng Financial Action Task Force (FATK) UK at EU.
Bukod dito magbubunga din ito ng mas matatag na relasyon ng mga bangko sa ibang bansa na makakatulong sa paglago ng ekonomiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden