
MANILA, Philippines- Bumaba ng siyam na pwesto ang Pilipinas sa Global Gender Gap Report 2024 sa 25 mula sa 146 bansa na minonitor para sa gender equality.
Subalit, sa regional rankings, isa ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa sa East Asia and the Pacific sa ikatlong pwesto, sumunod sa Australia at sa New Zealand.
Nakakuha ang Pilipinas ng score na 0.779 sa pinakabagong World Economic Forum (WEF) tracking na inilathala noong Martes, Hunyo 11.
Pumwesto ang Pilipinas sa ika-16 sa Global Gender Gap Report 2023.
Sa scoring system ng WEF, nangangahulugan ang 0 ng “parity between genders in a particular country” habang tumutukoy ang 1 sa “most disparity.”
Sinusukat ng WEF ang gender gap ng mga bansa sa pamamagitan ng apat na parameters: economic participation and opportunity, educational attainment, health and survival, at political empowerment.
“The global gender gap score in 2024 for all 146 countries included in this edition stands at 68.5% closed. Compared against the constant sample of 143 countries included in last year’s edition, the global gender gap has been closed by a further +.1 percentage point, from 68.5% to 68.6%,” paliwanag ng WEF.
Natukoy Sudan bilang bansang may pinakamataas na gender gap ngayong taon sa WEF, habang ang ibang bansa na may “least gender disparity” sa Global Gender Gap Report 2024 ay:
Iceland
Finland
Norway
New Zealand
Sweden
Nicaragua
Germany
Namibia
Ireland
Spain. RNT/SA