Home NATIONWIDE Pinas mahahagip sa ‘Taiwan conflict’ – PBBM

Pinas mahahagip sa ‘Taiwan conflict’ – PBBM

265
0

NEW DELHI – SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi maiiwasang maapektuhan ang Pilipinas sakaling magkaroon ng military conflict sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos dahil sa Taiwan.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang dahilan ay ang geographic proximity ng bansa at ang presensiya ng libo-libong manggagawang Pilipino sa self-ruled island.

“If there is a confrontation over Taiwan between China and the United States, there is no way that the Philippines can stay out of it, simply because of our physical geographic location,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang panayam kasama ang Indian media outlet Firstpost noong Miyerkules, sa gitna ng kanyang state visit sa India.

“The large city of Kaohsiung in Taiwan is a 40-minute flight away from the capital of my province in northern Philippines, in Laoag. That’s how close it is,” dagdag ng Pangulo.

Habang nagpahayag ng kanyang pag-aatubili si Pangulong Marcos sa posibilidad na madamay sa regional conflict, binigyang-diin ng Chief Executive na mapipilitan ang Pilipinas na umaksyon para depensahan ang pambansang soberanya at makataong mga responsibilidad.

“We will be drawn into it… with the greatest hesitation. But again, we will have to defend our territory and our sovereignty,” aniya pa.

Binanggit din ng Pangulo ang tungkol sa kaligtasan ng mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan, na agad na nalalagay sa panganib sa oras na sumiklab ang labanan.

“There are many, many Filipino nationals in Taiwan, and that would be immediately a humanitarian problem,” ang pahayag ni Pangulong Marcos, sabay sabing “We will have to go in there, or find a way to go in there, and to bring our people home.”

Nagbabala rin ang Pangulo na lubhang mahirap isagawa ang anumang repatriation effort sa isang live combat zone.

“It would not be a small problem by any means,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.

Samantala, tinatayang may 160,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan, karamihan ay nagtatrabaho sa mga electronics factories at sa domestic work.

Pinananatili naman ng Pilipinas ang one-China policy habang nagpapatuloy ang matatag na economic at people-to-people ties sa Taiwan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here