Home NATIONWIDE Pinas makikipagtulungan sa IT experts vs banta sa cybersecurity

Pinas makikipagtulungan sa IT experts vs banta sa cybersecurity

MANILA, Philippines- Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makakatulong ang ilang eksperto mula sa pribadong sektor para tulungan ang pamahalaan, kabilang na ang militar na labanan ang banta sa cybersecurity. 

“The government has spoken to many experts,” ayon kay Pangulong Marcos nang hingan ng komento ukol sa posibleng wiretapping activities ng Tsina sa Pilipinas.

“Some of the best cybersecurity experts are Filipinos but they are civilians so we have to bring some of them,” wika ng Pangulo.

“I don’t know if we can find an arrangement for them to work for the military, for the government agencies maybe as a free agent,” dagdag niya.

Ani Pangulong Marcos, maging siya ay naghahangad na kagyat na marinig ang sinasabing ‘recorded conversation’ sa pagitan ng mga Chinese at Filipino officials hinggil sa kasunduan ukol sa aktibidad ng Maynila sa West Philippine Sea (WPS).

“There have been mentions of a tape that says there was this agreement. I keep wanting to hear it and as yet we don’t have it,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“It is very hard to come to a conclusion until we know that the thing actually exists,” patuloy niya.

Sa kabilang banda, nilinaw naman ng Pangulo na ang government policy sa cybersecurity ay hindi sa isang usapin o bansa lamang.

“We are all very aware of the risk of cybersecurity for all kinds of reasons. We are very conscious of that,” giit niya.

“The DICT together with the DOST are working hard together with our security services to make more robust our cybersecurity,” lahad nito.

Noong nakaraang buwan ay inaprubahan ni Pangulong Marcos ang National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028, nagsisilbi bilang “whole-of-nation roadmap for the integrated development and strategic direction of the country’s cybersecurity.” Kris Jose