Home NATIONWIDE Unemployment rate pumalo sa 3.9% noong Marso – DOLE

Unemployment rate pumalo sa 3.9% noong Marso – DOLE

MANILA, Philippines- Bumaba sa 3.9 porsyento ang unemployment rate para sa Marso ngayong taon kumpara sa parehong buwan noong 2023, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Sabado, Mayo 18.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nasa 4.7 porsyento ang unemployment rate noong Marso noong nakaraang taon batay sa Labor Force Survey (LFS).

Ngunit sinabi ni Laguesma na mas mataas pa rin ito ng bahagya kumpara sa 3.5 porsyentong unemployment rate noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

“Nalulugod ang Kagawaran sa patuloy na pagtaas ng bilang ng ating mga kababayang may trabaho. Nagpapatunay ito na ang ating ekonomiya ay higit na lumalakas kumpara noong Marso ng nakaraang taon,” pahayag ng kalihim.

Nagpahayag din ng kasiyahan ang labor chief sa tumaas na bilang sa gitna ng pagkakaroon ng El Niño.

Ayon sa kalihim, bumuti ang bilang ng trabaho sa gitna ng mga problema, gaya ng El Niño na ito ay nagpapakita lamang na ang mga employment prospect sa bansa ay angkop para sa mga pangangailanagan ng mga employer.

“Ito ay sumasalamin sa kaangkupan ng mga programa ng Kagawaran na matugunan ang mga pangangailangan ng ng ating mga kababayang naghahanap ng trabaho at mga empleyado,” sabi ni Laguesma. Jocelyn Tabangcura-Domenden