Home METRO Bebot tiklo sa sa halos P5M shabu

Bebot tiklo sa sa halos P5M shabu

Larawan kuha ni Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Arestado ang isang babae sa buy-bust operation kung saan nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang tinatayang halos P5 milyong halaga ng shabu sa Sta. Cruz, Maynila.

 

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), naaresto ang 30-anyos na babaeng kinilala lamang sa alyas na “Farida,” residente ng Recto Avenue, Maynila.

Siya ay nasakote sa kanto ng Soler Street at Rizal Avenue sa Sta. Cruz sa buy-bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit o SDEU ng MPD Station 11.

Nakuha mula sa kanya ang dalawang sachet at dalawang transparent plastic ice bags ng hinihinalang shabu na may timbang na 700 gramo at tinatayang aabot sa halagang P4,760,000.

Nakumpiska rin sa suspek ang P1,000 bill at 54 pekeng bills na ginamit na buy-bust money.

Ayon sa pulisya, sangkot ang suspek sa large-scale drug transactions sa lugar ng Binondo at Sta. Cruz.

Kasalukuyan nang nakakulong sa MPD Station 11 ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec.5 at 11 ng Republic Act No.9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sinabi ng awtoridad na iniimbestigahan na ang pinagmulan ng malaking halaga ng nakumpiskang droga sa suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden