Home HOME BANNER STORY DMW: Pinoy crew ligtas sa Houthi drone attack

DMW: Pinoy crew ligtas sa Houthi drone attack

MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang lahat ng 23 Filipino crew na sakay ng sasakyang pandagat na sinalakay ng mga rebeldeng Houthi Sabado nitong Mayo 18, 2024.

Ang kanilang sasakyang-dagat na nagtamo ng bahagyang pinsala ay naglalayag malapit sa Yemeni port city ng Hodeida nang ito ay salakayin.

Ipinagpatuloy ng barko ang paglalakbay nito patungo sa susunod na daungan.

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang DMW sa international maritime authorities, shipping companies at local manning agencies sa katayuan ng mga barko na may mga Pilipinong marino na tumatawid sa war-like zones sa Red Sea at Gulf Of Aden. Jocelyn Tabangcura-Domenden