MANILA, Philippines – Masaya ang Malakanyang habang ang Pilipinas ay mas malapit na sa upper-middle-income status.
Ayon sa World Bank, ang gross national income (GNI) per capita ng Pilipnas ay USD 4,470 in 2024— USD 26 lamang sa ibaba ng benchmark para sa upper middle-income countries.
“Of course, the Palace is happy because we can see that the administration is working to improve our economy,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Ang pahayag na ito ni Castro ay tugon sa sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang Pilipinas ay papalapit na sa upper-middle-income status.
“Secretary Balisacan also said that it’s just USD 26 more, and we’re hoping it can be achieved in 2025, but we will only know for sure by July 2026,” ang pahayag ni Castro.
Aniya pa, bahagya na lamang nitong inaasahan ang pagbaba ng halaga at ang inflation ay hindi naman inaasahan na maging mas mataas kaysa sa ibang bahagi ng mundo. /Kris Jose