Home HOME BANNER STORY Pinas, naka-monitor sa lumalalang tensyon sa Israel, Iran, Lebanon

Pinas, naka-monitor sa lumalalang tensyon sa Israel, Iran, Lebanon

197
0

MAHIGPIT na naka-monitor ang Pilipinas sa situwasyon ng mga filipino sa Israel, Lebanon at Iran dahil sa potensiyal na umigting ang labanan sa rehiyon matapos ang nangyaring asasinasyon kay Hamas political chief Ismail Haniyeh ng Iran noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kapuwa naman inakusahan ng Tehran at Hamas ang Israel na siyang nagsagawa, ng asasinasyon, araw ng Miyerkules, subalit hanggang sa ngayon ay walang pag-amin o pagtanggi sa pagkakasangkot ng huli sa insidente.

Araw ng Lunes, nagbabala ang Iranian government ng ‘retaliation, sparking fears’ na ang gusot ng Israel sa mga Hamas at kaalyado nito, kabilang na ang Iran-backed Hezbollah sa Lebanon, ay mauwi sa mas malaking ‘regional war.’

May ilang bansa na ang nagpayo sa kanilang mga mamamayan na lisanin na ang Lebanon, gaya ng South Korea, Italy, United Kingdom at Estados Unidos.

Kamakailan ay hinikayat naman ng Pilipinas ang mga Filipino na biluntaryong lumikas matapos tumaas sa Alert Level 3 sa Lebanon.

“The Department of Foreign Affairs is monitoring the political situation in Lebanon, Iran and Israel and throughout the region to keep our Filipinos abreast of all potential emergencies at regional, national and community levels,” Undersecretary for Migration Eduardo Jose de Vega.

Aniya pa, “most Filipinos choose to stay in Lebanon despite the heightened crisis” at wala aniyang“no upshift” sa bilang ng mga nais na magbalik-Pinas.

Tinatayang 11,291 Filipino migrant workers sa Lebanon, sinabi ni De Vega, tinukoy ang pinakabagong opisyal na pigura ng Lebanese Immigration.

Hindi naman kasama mula sa data ang mga irregular migrants na ‘either entered illegally or have no residence permits.’

At dahil nagsimula na ang krisis sa Middle East nang magsimula ang giyera s pagitan ng Israel at Hamas noong October 2023, in ilikas na ng Pilipinas ang 300 Filipino mula sa Lebanon habang 600 naman ang naghihintay ng kanilang clearance.

“The Philippine government stands ready to provide repatriation assistance to any or all of our overseas Filipinos living and working in Lebanon, mainly in the capital, Beirut,” ayon kay De Vega.

Sa Israel, hinihintay naman ng DFA ang rekumendasyon ng Philippine Embassy sa Tel Aviv kung itataas ang crisis alert level.

“The Filipinos in Israel (about 30,000) are safe and have not indicated any interest to go home,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here