Home NATIONWIDE Pinas nakahanda sa posibleng Anthrax outbreak-DA

Pinas nakahanda sa posibleng Anthrax outbreak-DA

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) sa publiko na nakahanda ang Pilipinas para sa anumang posibleng anthrax outbreak sa bansa.

Siniguro rin ng departamento na ang Bureau of Animal Industry (BAI) ay may kakayahang mag-produce ng bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Nauna rito, ipinag-utos ng Thailand na mahigpit na bantayan ang livestock matapos mapaulat ang anthrax outbreak sa Laos kung saan may 50 katao ang napaulat na tinamaan ng anthrax.

“Ang Bureau of Animal Industry ay may nakahandang anthrax vaccine, at importante lang na mabakunahan para ma-prevent ang pagkalat ng anthrax,” ayon kay Dr. Constante “Dante” Palabrica, assistant secretary for livestock ng DA.

Ang BAI, aniya pa rin ay mayroong “seed virus” kaya’t posibleng makapagproduce ang Pilipinas ng sariling nitong anthrax vaccine.

“Itong seed virus na ito ay Philippine seed virus so hindi ito nanggaling kung saan. We’re ready for that—the Department of Agriculture is ready,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng DA ang mga magsasaka na kaagad na I-report sa provincial veterinarians ang mga pinaghihinalaang kaso ng anthrax infection habang ang gobyerno ay nagbibigay ng “free testing.”

Ang Ilan aniyang palatandaan na ang hayop ay positibo sa anthrax ay kung ayaw ng mga itong kumain, may lagnat at nag-develop ng vesicles.

“Our government gives free tests on this, and actually the anthrax vaccine is given for free. Lahat nang ito ay subsidized by the DA’s budget,” ayon kay Palabrica.

Dahil ang anthrax ay maaaring maisalin o mailipat sa tao dahil sa “zoonotic in nature” nito, Maaari aniyang maging dahilan ito ng pagkamatay ng isang tao na may comorbidity.

“Kailangan tawagan agad ang provincial veterinarian para ma-test agad, kasi zoonotic ito, pwede itong i-transfer sa tao. Any disease na zoonotic, especially kapag may have comorbidity, it can be fatal,” aniya pa rin.

Dahil dito, ang mga hayop na positibo sa infectious disease ay hindi na dapat kainin pa.

“Huwag nilang kakatayin iyon dahil nga zoonotic pwedeng ilipat sa tao, tumawag sa beterinaryo at nang ma-check nang husto. Mahirap naman na hindi na kumain ‘yung baka, anthrax na kaagad. Kailangan ng scientific and science-based analysis dito,” babala nito.

Tinuran pa ni Palabrica na ang Pilipinas ay mayroong isang bakuna lamang para sa anthrax.

“Well, as of now, there is only one vaccine for anthrax, kasi kailangan homologous, meaning kung ano ang tumama ‘yun din ang dapat ang i-produce, hindi tayo pwedeng kumuha ng ibang anthrax vaccine sa labas ng Pilipinas. Ang maganda [ay] mayroon tayong seed virus,” ang litaniya nito.

Ang pagpapabakuna aniya ang tanging paraan para mapigilan ang pagkalat ng anthrax.

Nilinaw ni Palabrica na hindi naman mabilis na kumalat ang Anthrax, hindi katulad ng African Swine Fever (ASF), itinuturing na “highly contagious at deadly viral disease” na labis na nakaaapekto sa domestic at feral swine sa lahat ng edad.

Winika pa ni Palabrica na ang ruminants, malaking grupo ng herbivores na may four-chambered stomach, ang kadalasan na apektado ng anthrax.

“Kaya nga kapag namatay [due to anthrax] kailangan ibaon sa lupa kasi spores ‘to, eh. Spores na madaling maka-transfer sa ibang animals kaya kailangan ibaon ang mga namamatay ng anthrax,” ani Palabrica,” sabay sabing “This [anthrax] is an infectious disease so you will see viremia, kapag sinabing viremia sa veterinarian, umiikot sa buong katawan ng animal.”

Samantala, namonitor naman ng DA ang anthrax sa Northern Luzon, may ilang buwan na ang nakalipas subalit sinabi ni Palabrica na ang situwasyon ay “under control.”

Nagpadala na aniya ang ahensiya ng bakuna sa mga apektadong lugar. Kris Jose