Home NATIONWIDE Pinas niyayanig ng 30 lindol kada-araw

Pinas niyayanig ng 30 lindol kada-araw

377
0

MANILA, Philippines – Umaabot sa 30 lindol kada araw ang naitatala sa bansa, ayon sa Department of Science and Technology (DOST), sa gitna ng sunod-sunod na malalakas na pagyanig nitong mga nakaraang linggo.

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum, hindi ito kakaiba dahil sa dami ng aktibong fault lines at trench sa ilalim ng lupa at dagat ng Pilipinas.

“Meron namang pagkakataon na nagkasunod-sunod ‘yung malalaking mga lindol… Kada araw, may 30 earthquakes at least na nare-record ang DOST-PHIVOLCS,” pahayag ni Solidum sa Super Radyo dzBB.

Dagdag niya, karamihan sa mga lindol ay mahina at hindi nararamdaman, habang ang mga magnitude 6 pataas ay bihira ngunit normal na nangyayari kada taon.

Kabilang sa mga kamakailang malalakas na lindol ang magnitude 6.9 sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30, at ang magnitude 7.4 at 6.8 sa Davao Oriental noong Oktubre 10.

Paliwanag ni Solidum, ang dalawang lindol sa Davao ay “doublet earthquake” — magkaibang pagyanig na halos sabay na nangyari.

Samantala, muling pinaalalahanan ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol ang publiko na huwag tumakbo habang lumilindol at sa halip ay gawin ang tamang “duck, cover, and hold” upang maiwasan ang aksidente at pinsala. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here