MANILA, Philippines – Nanatiling kabilang ang Pilipinas sa 10 pinakamasamang bansa para sa mga manggagawa sa loob ng siyam na sunod-sunod na taon, ayon sa 2025 ITUC Global Rights Index.
Pasok din sa listahan bilang 10 worst countries para sa mga manggagawa ang mga bansang:
Base sa ulat na kabilang sa madalas labagin sa mga karapatan ng manggagawa ay ang karapatang mag-welga sa 87%, makipag-collective bargaining sa 80%, mag-unyon sa 75%, at makamit ang hustisya sa 72%.
“This has been happening for ninth straight year, and we really have a lot to do in engaging the government and employers so we can be removed from this list,” ani Julius Cainglet ng Workers Rights Watch sa isang press conference.
Kinuwestyon din ng Workers Rights Watch ang bisa ng EO 23 at Omnibus Guidelines, na umano’y kulang sa pananagutan at hindi sakop ang mga manggagawang nasa pampublikong serbisyo at impormal na sektor.
Giit ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, may ginagawa ang gobyerno para lutasin ang mga lumang isyu at kinilala pa nga ang Pilipinas sa ILO Committee on Freedom of Association. RNT