Home NATIONWIDE Pinas pinangalanang pinakamapanganib na bansa sa Asya para sa mga environmental defenders

Pinas pinangalanang pinakamapanganib na bansa sa Asya para sa mga environmental defenders

1
0

MANILA, Philippines – Pinangalanan ng Global Witness ang Pilipinas bilang pinakanakamamatay na bansa sa Asya para sa mga environmental defender sa ika-13 magkakasunod na taon.

Ayon sa 2025 report ng grupo, 12 environmental defenders ang namatay sa Pilipinas noong nakaraang taon, kapantay ng Honduras at pinakamataas sa labas ng Latin America. Kabilang sa mga nasawi ang anim na Indigenous Peoples, tatlong small-scale farmers, isang mamamahayag at dalawa pang indibidwal.

Sa buong mundo, 124 land and environmental defenders ang naitalang namatay noong 2025. Mahigit tatlong-kapat sa mga biktima ay small-scale farmers, Indigenous Peoples o Afro-descendant Peoples.

Ayon sa Global Witness, lima sa 12 kaso sa Pilipinas ay may hinihinalang kaugnayan sa armed forces. Binanggit din ng grupo ang patuloy na criminalization, intimidation at red-tagging laban sa mga defender sa Asya.

Samantala, sinabi ni Joan Carling, executive director ng Indigenous Peoples’ Rights International, na iniuugnay niya ang mga pagpatay sa counter-insurgency programs ng gobyerno at mga extractive project.

“Global Witness linked five of those killings to the armed forces, showing how, when attempts to criminalize defenders fail, the military reverts to more direct attacks,” ani Carling.

Mula 2012 hanggang 2025, nasa 318 killings at disappearances ng environmental defenders ang naitala sa Pilipinas sa datos ng Global Witness. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here