Home NATIONWIDE Pinas swak sa ‘top tuna producers’ sa buong mundo – BFAR

Pinas swak sa ‘top tuna producers’ sa buong mundo – BFAR

MANILA, Philippines- Kabilang na ang Pilipinas sa nangungunang “producers” ng tuna sa buong mundo, ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).

“With unwavering determination, we have elevated the Philippines to the ranks of the world’s leading tuna producers. Last year’s impressive production of over 475,000 metric tons speaks to our diligence and the richness of our marine biodiversity — a remarkable achievement for a country of our size,”  ang bahagi ng mensahe ni DA Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate sa pagtatapos ng 23nd National Tuna Congress and Trade Exhibit sa  SM City General Santos Trade Halls sa General Santos City.

“At sa kabila ng liit natin, nakakapag-export pa tayo. More than 107,000 metric tons of tuna were exported last year. Nakaka-proud talagang maging Pilipino,” dagdag na pahayag nito.

Iginiit nito na ang tuna industry ng bansa ay mayroong “rich potential.”

Makikita sa datos ng BFAR noong 2022 na nakapagtala ang tuna ng 10.25% ng fisheries production ng bansa.

Binigyang-diin ni Bayate na ang tuna industry ng bansa ay patuloy na bumabagay o umaangkop sa iba’t ibang hamon.

Ibinahagi rin ni Bayate ang kasalukuyang inisyatiba ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na lalo pang nagpalakas sa  tuna industry, gaya ng pagtatatag ng 12 Fisheries Management Areas (FMA), pag-apruba sa tatlong bagong  Fisheries Administrative Orders na may kinalaman sa tuna fisheries management, Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project, at National MLambaklad and Payao Program, at iba pa.

Sa kabilang dako, binigyang-diin naman ni DA-BFAR director Demosthenes Escoto ang kahalagahan ng tuna fisheries sa bansa sa gitna ng mga hamon at pagbabago sa kalikasan gaya ng pagtaas ng sea temperatures na pinalala ng climate change.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito na kabilang sa iba’t ibang bagong inisyatiba ng DA para sa  tuna industry ay ang patuloy na implementasyon ng National Tuna Management Plan at muling pagsasaayos ng BFAR Technical Working Group on Tuna Fisheries.

Ang event  na tumakbo  mula Huwebes hanggang Biyernes ay pinangunahan ng  Soccsksargen Federation of Fishing and Allied IndustriesInc. (SFFAII) na may temang, “Adapting Strategies Responsive to Global Challenges.” Kris Jose