Home NATIONWIDE Pinas una sa 2025 World Risk Index sa panganib ng pagbaha

Pinas una sa 2025 World Risk Index sa panganib ng pagbaha

358
0

MANILA, Philippines – Ang Pilipinas ang nanguna sa 193 bansa sa 2025 World Risk Index para sa panganib ng pagbaha, ayon sa Forest Foundation Philippines.

“We are at the top spot, yet again. We’re always somewhere in the top 3, because of our high geographic fragmentation and high exposure to weather related extremes,” ayon kay Alaya de Leon, na nagsabing ang panganib ng baha ay nag-iiba sa bawat rehiyon at pangunahing naapektuhan ng heograpiya, imprastruktura, at spatial planning.

Binigyang-diin ng mga mambabatas ang pangangailangan ng nature-based at sustainable na solusyon kaysa sa puro imprastruktura.

Ayon kay Rep. Jose Manuel Alba, “Over the years, we have all come to realize that climate change et al cannot be solved by massive infrastructure programs… rather we need to take sustainable responses to these problems and not add further harm or destruction to the environment.”

Dagdag ni Rep. Aniela Tolentino, ang nature-based solutions ay makapagbibigay rin ng sustainable livelihoods at makakatulong sa pagtamo ng mga pangunahing sustainable development goals. Kasalukuyang ipinapasa ang low-carbon economy bill at iniuulat ang executive order para sa patnubay sa nature-based solutions.

Nanawagan din ang ilang mambabatas ng pananagutan sa mga flood control projects. Ayon kay Rep. Antonio Tinio, pinalalala ng korapsyon sa flood control ang galit ng publiko, habang binigyang-diin ni Rep. Sarah Elago na ang tunay na kahandaan sa kalamidad ay mula sa pagpapanatili ng kalikasan, kahandaan ng komunidad, at mga hakbang sa climate mitigation. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here