Home NATIONWIDE Pinoy trafficking victims sa Myanmar nagpapasaklolo; gustong makauwi sa Pinas – DFA

Pinoy trafficking victims sa Myanmar nagpapasaklolo; gustong makauwi sa Pinas – DFA

MANILA, Philippines- Hinihiling ng grupo ng mga Pilipino na makauwi sa Pilipinas mula sa Myanmar matapos silang mabiktima ng trafficking, kung saan pagtatrabahuhin sana sila bilang “love” scammers, base sa opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA). 

Ayon sa ulat nitong Biyernes, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na hinikayat ang mga Pilipino na magtrabaho sa Bangkok sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga turista at mula sa Thai capital ay dinala sila sa Myanmar upang magtrabaho sa crypto farms. 

Gumugulong na ang rescue operations para sa mga Pilipino, base sa ulat.

Pinaalalahanan ng DFA ang Filipino jobseekers na kung nais magtrabaho sa ibang bansa ay kailangan ng overseas employment contract kahit na ang pupuntahang bansa ay walang visa requirements. 

Nakatakdang magkita sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Thai Prime Minister Srettha Thavisin para sa isang bilateral meeting at upang tugunan ang transnational crimes. RNT/SA