Home NATIONWIDE Pinoy workers, ikalawa sa pinakamasisiyahan sa Asia-Pacific — pag-aaral

Pinoy workers, ikalawa sa pinakamasisiyahan sa Asia-Pacific — pag-aaral

49
0

MANILA, Philippines – Ikalawa ang mga manggagawang Pilipino sa listahan ng pinakamasisiyahang empleyado sa Asia-Pacific, ayon sa pinakabagong Workplace Happiness Index: Philippines 2025 ng Jobstreet by SEEK.

Batay sa pag-aaral na isinagawa mula Oktubre hanggang Nobyembre 2025, lumahok ang mahigit 10,500 empleyado sa buong rehiyon, kabilang ang 1,000 Filipino workers na may edad 18 hanggang 64.

Lumabas sa resulta na 77% ng mga Pilipinong respondent ang nagsabing “somewhat or extremely happy” sila sa trabaho, na pumangalawa sa Indonesia na may 82%.

Ayon sa ulat, ang mataas na antas ng kasiyahan sa trabaho ay dulot ng mas malalim na pagtingin ng mga empleyado sa kahulugan ng kanilang trabaho, personal wellbeing, at career development, bukod sa sahod at flexibility.

Sa regional breakdown, pinakamataas ang happiness rate sa Visayas na may 82%, kasunod ang National Capital Region na 77%, habang 76% naman sa Luzon at Mindanao.

Bagama’t may bahagyang pagkakaiba, sinabi ng pag-aaral na halos pantay ang antas ng workplace happiness sa buong bansa.

Ayon sa ulat, 77% ng mga respondent ang nakadarama ng pagiging “valued” sa kanilang trabaho, habang 74% ang nagsabing fulfilling ang kanilang mga trabaho.

Bagama’t nananatiling pangunahing salik ang sahod sa pagkuha at pagpapanatili ng empleyado, mas lumilitaw ngayon ang kahalagahan ng “sense of purpose” at kontribusyon ng trabaho sa personal at organisasyonal na layunin.

Samantala, lumabas din sa pag-aaral na may epekto pa rin ang stress at burnout sa mga manggagawa, kung saan 41% ang nagsabing kontrolado nila ang kanilang stress level, habang 38% ang nakararanas ng matinding pagkapagod sa trabaho.

Naitala rin ang pag-aalala ng mga empleyado sa artificial intelligence (AI), kung saan 41% ang nagsabing may pangamba sila sa posibleng epekto nito sa kanilang trabaho.

Ayon kay Dannah Majarocon, Managing Director ng Jobstreet by SEEK sa Pilipinas, layunin ng pag-aaral na tulungan ang mga employer na makabuo ng mas epektibong workplace na nagtataguyod ng engagement at long-term growth ng mga empleyado. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here