Home NATIONWIDE Pinsala sa Pasig bridge ipinasusuri ni PBBM

Pinsala sa Pasig bridge ipinasusuri ni PBBM

154
0

MANILA, Philippines-  Nais malaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung ang F. Manalo Bridge, tinamaan ng 13 barges at bangka sa gitna ng malakas na pag-ulan at pagbaha dala ng southwest monsoon o hagbagat at bagyong Carina, ay madaraanan pa.

Inatasan ni Pangulong Marcos ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-assess ang kaligtasan ng tulay.

May ilang barges at bangka ang nananatili sa ilalim ng tulay, at kasalukuyang target ng removal mission ng Philippine Coast Guard (PCG).

“Can we get an assessment on the safety kung magamit ‘yung tulay? What we need to know is not what is required but can we use it or not. Iyan na lang muna kung magamit o hindi,” ayon sa Pangulo sa situation briefing, araw ng Huwebes, Hulyo 25.

“Oh God, ang lakas ng agos oh. Kahit anong gawin mo diyan, tug boat saka barge hindi mo makukuha ‘yan,” dagdag na wika nito nang mapanood ang video nang sumalpok na barges sa tulay.

Binigyang-diin pa ng Pangulo ang pangangailangan “to know where is that assistance is required” upang makapamahagi ng “whatever help, whatever assistance is required.”

Ayon naman kay MMDA Chairman Romando Artes, may 13 barges at tug boats ang bumangga sa tulay, na lumampas sa Marikina River at nag-uugnay sa Eulogio Amang Rodriguez Avenue sa Pasig at Calle Industria sa Quezon City.

Sinabi pa rin nito na sinisikap nang alisin ng PCG ang barges na pag-aari ng isang construction company na nagre-rehabilitate sa Marikina River. Pansamantala namang isinara ang F. Manalo Bridge.

Nagpaliwanag si Artes kay Pangulong Marcos kung bakit ang barges at tug boats ay tumama sa tulay.

“Mababa po iyong tulay. It was constructed by the LGU po kasi and it was schedule naman po for replacement by DPWH,” ayon kay Artes.

Sinabi naman ni DPWH Secretary Manuel Bonoan kay Pangulong Marcos na ang tulay ay nakatakdang sumailalim sa rehabilitasyon at reconstruction.

“Because mababa sa standard niya. Masyado mababa and ‘yung free board niya is not really designed for the barges to pass through,” pahayag ni Bonoan.

“We are going to reconstruct this bridge eventually. We have the funds for it. It’s just a matter of going through the design,” dagdag ng opisyal. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here