Home HOME BANNER STORY Piso bumulusok sa P59.13 vs Dolyar

Piso bumulusok sa P59.13 vs Dolyar

284
0

MANILA, Philippines – Bumagsak sa bagong all-time low na P59.13 kada dolyar ang piso nitong Martes, Oktubre 28, 2025, matapos ang siyam na sunod na araw ng paghina.

Kaugnay ito ng mga kontrobersiya sa paggastos ng pamahalaan para sa mga proyektong pang-imprastraktura, partikular sa flood control.

Humina ng 23 sentimo ang piso mula sa P58.90 noong Lunes, na lumampas sa dating rekord na P59:$1 noong Disyembre 2024.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ipinapakita ng pagbaba ng piso ang pangamba ng merkado sa posibleng pagbagal ng ekonomiya dahil sa isyu ng imprastraktura at posibilidad ng karagdagang monetary easing.

“The BSP allows the exchange rate to be determined by market forces… participation is largely to dampen inflationary swings,” ayon sa pahayag ng Bangko.

Nauna nang ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 20% ng P545-bilyong budget para sa flood control projects ay napunta sa 15 kontratista lamang, na tinawag niyang “disturbing assessment.”

Binanggit din ng U.S. State Department ang “pervasive” corruption sa Pilipinas bilang hadlang sa pamumuhunan.

Ayon kay RCBC chief economist Michael Ricafort, naapektuhan ng political noise at usapin sa pamamahala ang piso, ngunit inaasahang makatutulong ang seasonal dollar inflows para sa Undas at Pasko upang bahagyang patatagin ang halaga nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here