MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang Pista ng Itim na Nazareno ang testamento ng “pagkakaisa at pagkakaibigan” ng mga Filipino.
Inihayag ito ng Pangulo bilang pakikiisa sa mga mananampalatayang Katoliko sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
Ani Pangulong Marcos, ang makasaysayang tradisyon ay nasa isip na ng mga tao lalo na ang pananalig na ”allows us to find harmony in our faith as a people.”
Sa naging mensahe ng Chief Executive, sinabi nito na ang pagbubuhat sa imahe ng Poong Hesus Nazareno at Kanyang krusipiho ay pagpapa-alala sa lahat ng
“the great sacrifice our Lord and Savior went through in His life.”
”Moreover, it also speaks of the immense power and compassion of God who walks with us and hears our prayers, especially in our time of need,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
”This colossal gathering of Filipinos in the streets of Manila is a testament to our people’s solidarity and camaraderie,” dagdag na wika nito.
Dahil dito, hinikayat ng Pangulo ang publiko na harapin at mapagtagumpayan ang mga hamon na isang pagsubok sa kanilang pananampalataya at mabuting kalooban at abutin ang mga taong nangangailangan ng kanilang kabaitan at pakikiramay sa gitna ng pagdiriwang ng nasabing Kapistahan.
“Every Filipino has been able to epitomize the example of the Jesus Nazareno in their daily walks as hope bearers, peacemakers, and builders of society,’ ang paniniwala naman ni Pangulong Marcos. Kris Jose