Home NATIONWIDE PISTON nagkilos-protesta sa #SONA2024

PISTON nagkilos-protesta sa #SONA2024

145
0
(c) Jun Mestica

MANILA, Philippines – NAGDAOS din ng kanilang kilos protesta ang grupong transport na PISTON ng hiwalay na programa sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa Philcoa para ipanawagan ang pagbasura sa sapilitang franchise consolidation ng public utility vehicles (PUV).

SA kanilang kilos-protesta mahigpit na tinutulan ng Piston ang isinusulong na traditional jeepney phase out ng public utility vehicle modernization ng pamahalaan dahil sa anti driver at transport ayon sa naturang grupo.

Kaugnay nito sinabi ni Pangulong Marcos Jr. isinusulong ng pamahalaan ang PUV modernization program upang labanan ang Climate Change o ang nagbabagong klima.

Mahigpit na tinutulan ng Piston ang isinusulong na traditional jeepney phase out at public utility vehicle modernization ng National government dahil ayon sa Piston hindi pa napapanahon at ang kawalang kahabaan para sa sektor ng transport.

Sinabi ng Piston na hindi umano kaya ng jeepney driver ang halaga ng isang makabagong jeep na umaabot sa P2.6 milyon.

Aniya, dagdag na pasakit sa kanila lalo na sa mga tao na ang hanap-buhay na ang pamamasada.

Kaugnay nito, naniniwala ang mga transport group na mayroong mas magandang pamamaraan upang maipaabot ng kanilang grupo ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan laban sa PUV modernization program. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here