Home NATIONWIDE Plano ng Sandiganbayan sa flood control cases, pag-aaralan ng SC

Plano ng Sandiganbayan sa flood control cases, pag-aaralan ng SC

273
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Titignan at ipapatupad ng maayos ng Supreme Court (SC) ang anumang panukala ng Sandiganbayan kaugnay sa food control projects.

Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa ginanap na ikatlong anibersaryo ng Strategic Plan for Judicial Innovations, kanilang pag-aaralan ang plano ng Sandiganbayan na tapusin ang pagdinig at desisyon sa naturang usapin sa loob ng anim hanggang walong buwan.

Ayon kay Gesmundo, anumang suhestiyon o rekomendasyon mula sa Sandiganbayan upang mapabilis ang mga kaso na may kinalaman sa flood control projects ay kanilang susuriin agad.

“We will review immediately and see to it that it is properly implemented and drafted,” dagdag ni Gesmundo.

Sinabi rin ni Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg sa isang panayam na bukas ang korte sa posibilidad ng livestream ng mga pagdinig pero hihingi pa ng pahintulot sa SC na kasalukuyang nagbabawal ng live coverage ng mga pagdinig sa korte.

Ito ay upang mapangalagaan ang karapatan ng mga akusado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here