Home HOME BANNER STORY Planong pagtaas ng tax exemption, suportado ng DOLE

Planong pagtaas ng tax exemption, suportado ng DOLE

1
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas ang limitasyon ng income tax exemption.

Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, mas maraming manggagawa, lalo na ang mga nasa middle class, ang makakapag-uwi ng mas malaking bahagi ng kanilang sahod.

“If the threshold is set at PHP350,000 and below, definitely more people will be helped – not just minimum wage earners, but also those earning slightly above the minimum wage.”

Sinabi ni Tolentino na kailangang agad amyendahan ang National Internal Revenue Code (NIRC) upang maipatupad ang panukala.

“The amendment to the NIRC needs to happen ASAP (as soon as possible); that was the call made last night. It involves a Congressional Act – legislation. So, if it is made a priority, it can be done very quickly.”

Umaasa rin siyang maisusulong ang panukala bago matapos ang taon.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), hiniling ni Marcos sa Kongreso na itaas ang income tax exemption upang ang mga kumikita ng ₱350,000 kada taon o mas mababa ay hindi na magbayad ng income tax. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here