Home NATIONWIDE PNP-ACG: 52 arestado sa cybercrime ops sa unang 15 araw ng Mayo

PNP-ACG: 52 arestado sa cybercrime ops sa unang 15 araw ng Mayo

76
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 52 indibidwal para sa iba’t ibang paglabag sa unang 15 araw ng Mayo.

Ayon kay PNP-ACG chief Maj. Gen. Wilson Asueta nitong Martes, 23 sa mga suspek ang nahuli sa entrapment operations, 28 ang wanted persons, at isa ang naaresto sa rescue operation.

Naiulat din ang paghatol sa 10 indibidwal sa mga kasong may kinalaman sa cybercrime sa kaparehong panahon.

Dagdag pa niya, naisakatuparan ng PNP-ACG ang 72 Warrants to Disclose Computer Data (WDCD) at naipasa sa piskalya ang kabuuang 89 kaso, kabilang ang 67 regular filings at 22 inquest proceedings.

Nagsagawa rin ang kanilang mga unit ng 587 cyber patrolling activities, 18 digital forensic examinations, at nailigtas ang 10 biktima ng iba’t ibang cybercrime.

Ayon kay Asueta, patuloy ang kanilang operasyon laban sa cybercriminals upang masiguro ang mas ligtas na cyberspace para sa publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here