Home METRO PNP chief Nartatez kinalampag sa talamak na bookies, jueteng sa Albay

PNP chief Nartatez kinalampag sa talamak na bookies, jueteng sa Albay

379
0

MANILA, Philippines – NANAWAGAN kay PNP Chief Gen. Melencio Nartatez ang netizens sa lalawigan ng Albay ukol sa umano’y talamak na iligal na sugal na sinasabing obyus na kinukonsente ng mga hepe ng lokal na kapulisan.

Partikular na tinukoy ng mga nagreklamong grupo na civic at religious groups (nakiusap na huwag banggitin ang kanilang pagkakakilanlan) ang mga lungsod ng Tabaco at Ligao na umano’y pinamumugaran ng mga iligalistang nasa likod ng panumbalik ng jueteng, Small Town Lottery bookies at iligal na sabong.

“Sina Cols. Edmundo Cerillo, ng Tabaco City police station at Larry Nino Prepotente, ng Ligao police station, ang kailangan magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat sibakin sa one-strike policy ng Pambansang Pulisya hinggil sa hindi masawata na jueteng at STL bookies at iba pang iligal na sugal sa kanilang area of jurisdiction,” panahayag ng mga nagreklamo.

Mariin pang inihayag ng mga ito sa kanilang sumbong ang mga mga taong umano’y nasa likod ng muling pamamayagpag ng mga iligal na sugal, hindi lang sa mga lungsod ng Tabaco at Ligao, kundi sa buong lalawigan ng Albay: Isang dating alkalde na may alyas na TsinoGar at isang Alyas Keernel El Niño.

Ayon sa nagreklamo, pabalik-balik na umanong hepe ng Ligao PNP station itong si Col. Prepotente dahil sa hinalang gawing lihis sa matuwid tulad ng iligal na sugal at kasabwat ang pinsan niyang kilala sa tawag na Kap Imo David na katiwala ng isang alkalde.

“Ilang beses na ring na-relieve itong si Kernel dahil sa kanyang pagpapabaya sa mga iligal na gawain sa nasasakupan niyang lugar, kung hindi man ay mismo sa pagkakasangkot niya sa mga nasabing maling gawain,” saad ng mga nagreklamo.

Ayon sa kanila, kailangan na umanong pakialaman ng liderato ng PNP sa Camp Crame ang problema o pagpapabaya kung ‘di man pagkakasangkot ng lokal na kapulisan sa talamak na sugal sa Albay at sa buong rehiyon ng Bikol dahil ang PNP regional office ay malinaw na dini-dedma ang pamamayagpag ng mga iligalista sa buong Albay.

“Si General Nartatez ang aming nakitang makapagbibigay ng tamang aksyon sa pagpipikit-mata ng mga awtoridad sa talamak na iligal na sugal sa aming lalawigan,” pagtatapos na saad ng mga nagreklamo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here