Home NATIONWIDE PNP nagsumite na ng listahan ng potential areas of concern sa Comelec

PNP nagsumite na ng listahan ng potential areas of concern sa Comelec

137
0

MANILA, Philippines – Nagsumite na ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng “Potential Election Areas of Concern” sa Commission on Elecions (COMELEC) at ngayon ay biniberipika na.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na ang Comelec lamang ang pwedeng magdeklara dahil dadaan pa ito sa validation ng joint security council na pinamumunuan ng komisyon.

Ayon kay Fajardo, mayroong apat na category.

Ang mga lugar na nagkaroon ng validated election-rekated incidents ay papasok sa “tlyellow category” dahil may nangyari nang insidente.

Sinabi rin ni Fajardo na ang iba pang parameter na isinasaalang-alang ay ang matinding tunggalian sa pulitika sa ilang lugar at ang presensya ng mga pribadong armadong grupo.

Sa nakaraang barangay at SK elections, dalawang lugar ang isinailalim sa “red category,” ayon sa PNP.

Ang layunin aniya ng pagpapasya ay kung ilang mga pulis ang ilalagay sa areas of concern at Ilan ang malalagay sa Comelec control.

Noong nakaraang buwan, inutusan ni Police General Rommel Marbil ang kanyang mga commander na simulan ang pagtukoy sa mga posibleng “election areas of concern” para sa 2025 polls.

Sinabi rin ng PNP na tutukuyin din nito kung kakailanganin ng karagdagang mga tauhan para mag-deploy sa ilang lugar bilang pag-asam ng posibleng karahasan na may kinalaman sa halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here