MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na naghahanda na ito ng seguridad para sa anti-corruption protest na Trillion Peso March na gaganapin sa Pebrero 25.
Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na mangasiwa sa deployment at mobilisasyon ng mga pulis at kagamitan.
“We are now reviewing and updating our security plan for this event,” ani Nartatez. “The goal is to ensure peace and order while respecting the rights of the people to assemble and freedom of speech.”
Ang rally sa Pebrero 25 ay pangungunahan ng Caritas Philippines kasama ang iba pang civil society organizations, habang ang mga aktibidad bago ang martsa ay nakatakda mula Pebrero 22 hanggang 23.
Sinabi ni Nartatez na inatasan na ang mga police commander na makipag-ugnayan sa mga organizer upang matiyak ang maayos at mapayapang pagsasagawa ng aktibidad.
“We seek the cooperation of organizers and participants in working with us to ensure that the event will be peaceful and orderly from the start to end,” dagdag niya.
Bago ang martsa, idaraos ang People Power 40 Kick-Off Concert laban sa korupsiyon sa Pebrero 21 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City. Bahagi ito ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng People Power Revolution, na magsisimula ang pre-show alas-4 ng hapon at ang pangunahing konsiyerto alas-6 ng gabi. Santi Celario