MANILA, Philippines – Pinasinungalingan at tinawag na ‘fake news’ ng Caloocan City Police Station nitong Biyernes ang ulat na kumakalat sa social media hinggil sa umano’y serial killer sa lungsod.
“Ang inyo pong Caloocan City Police Station ay kinokondena o pinasisinungalingan ang kumakalat na maling balita sa social media na may gumagalang serial killer sa lungsod ng Caloocan,” saad sa pahayag.
“Maging maingat, mapanuri sa mga impormasyon ang ating nababalitaan sa social media na walang basehan at ito ay nagdudulot lamang ng kalituhan o takot sa ating mga mamamayan,” it added.
Sinabi ng Caloocan police na gagawa sila ng paraan sa pagsubaybay sa pinagmulan ng fake news at nanawagan sa publiko na huwag magbahagi ng maling impormasyon sa social media.
“Ang inyong pong Caloocan City Police Station ay lalo pa pong paiigtingin ang Police visibility at Mobile visibility at iba pang Anti-Criminality Operations upang mapanatili ang Peace and Order sa lungsod ng Caloocan,” dagdag pa. RNT